nag-aalok ang HFM ng multi-asset trading sa pamamagitan ng pinaka-makabagong online trading na plataporma para sa susunod na henerasyon na MetaTrader 5.
Namamahagi ang MetaTrader 5 ng isang buong serye ng higit na mahusay na mga kasangkapan at makabagong mga tampok upang samantalahin ng mga baguhan at may-karanasang mangangalakal ang anumang sitwasyon sa pamilihan.
Kunin ang kompetitibong kalamangang kailangan mo upang magsagawa ng mga trade at pangasiwaan ang mga posisyon mo.
Maaaring gamitin sa Windows, Mac, Linux, at mga mobile device
Para sa pinakamahusay na mga kondisyon para sa trading, kakayahang umangkop at katapatang alok ng HFM para sa mga trader.
Bilang piniling plataporma ng milyun-milyong trader sa buong daigdig, kayang gawin ng MetaTrader 5 (MT5) ang lahat ng kayang gawin ng MT4, at mahigit pa. Kabilang ang nangunguna sa daigdig na mga kondisyon para sa trading ng HFM, ikagagalak ng mga mangangalakal ang isang tuluy-tuloy na karanasan para sa trading na walang katulad.
para sa 3000+ na mga instrumento para sa trading
na may mga spread na nagsisimula sa zero
gamit ang mga Ekspertong Tagapayo (Expert Advisor, EA)
na may hanay ng mga tagapagpahiwatig
Magagamit ang MT5 sa anumang device
Sa wika na iyong nais
Tuklasin ang mga natatanging tampok at kakayahan upang mapahusay ang iyong karanasan sa trading.
Lumipat sa iyong desktop, tablet o mobile device nang madali.
Magbukas ng trade sa iyong Windows desktop, subaybayan ito mula sa iyong telepono at isara ito mula sa iyong tablet.
Ang MetaTrader 5 (MT5) ay isang platpormang softare para sa online trading sa mga pamilihan ng forex, CFD at futures. Namamahagi ito ng mga makabagong kakayahan sa pag-tsart, iba’t-ibang uri ng order, at awtomatikong trading (sa pamamagitan ng Expert Advisors) para sa mga gumagamit nito. Pinapanatili ng MetaQuotes Software Corp ang plataporma na siyang malawakang ginagamit ng mga mangangalakal at broker sa buong daigdig.
May ilang mga dahilan kung bakit ginagamit ng mga mangangalakal ang MetaTrader 5 (MT5). Nagbibigay ang MT5 ng mga makabagong tampok sa pag-tsart, kabilang ang iba’t-ibang oraryo, mga kasangkapan para sa pagsusuring teknikal, at pinasadyang mga tagapahiwatig at sumusuporta sa awtomatikong trading sa pamamagitan ng paggamit ng mga Expert Advisors (EA). Sinusuportahan din ng MT5 ang malawak na hanay ng mga uri ng order, kabilang ang mga market order, nakabinbing order, stop-loss, at take-profit na mga order, na nagbibigay ng higit na kakayahang umangkop sa pagpapatupad ng mga trade. Makakatagpo ang mga mangangalakal ng higit na malawak na hanay ng mga instrumento sa trading kabilang ang pamilihan ng forex, iba’t-ibang CFD at futures. May taglay na malawak na pamayanan ng mga gumagamit ang plataporma, bukod sa isang aktibong pamilihan para sa mga pinasadyang tagapagpahiwatig at mga EA, na ginagawang mas madali para sa mga mangangalakal na mahanap ang mga tool at mapagkukunan na kailangan nila upang magtagumpay. Sa pangkalahatan, ang MT5 ay isang makapangyarihan at kapaki-pakinabang na plataporma na nagbibigay sa mga mangangalakal ng isang hanay ng mga makabagong mga kasangkapan at tampok para sa isang tuluy-tuloy na karanasan sa trading.
Upang simulan ang trading sa platapormang MT5, kailangan mong magbukas ng MT5 trading account sa HFM. Magbukas ng HFM MT5 account.
Oo, ang MetaTrader 5 ay isang libreng plataporma para sa trading. Hindi naniningil ang HFM ng anumang bayarin para sa pag-download o paggamit ng MT5.
Malawakang ginagamit ang MT5 ng industriya ng online trading at may malawak itong base ng mga gumagamit, na nakatulong upang tiyakin na ligtas at maaasahan ito.
Ang MetaTrader 5 ay isang multi-asset trading na plataporma kung saan maaari kang mag-trade ng malawak na hanay ng mga instrumento na magagamit sa HFM kabilang ang mga CFD sa Forex, Metals, Energies, Commodities, Crypto, Bonds, Indices, Shares, ETFs & DMA.
Ang awtomatikong trading sa MetaTrader 5 (MT5) ay isinasagawa sa pamamagitan ng MQL (MetaQuotes Language) na wikang pamprograma. Sa MQL, maaaring magsulat at magsagawa ang mga mangangalakal ng kanilang sariling mga pinasadyang algorithm para sa trading at mga awtomatikong estratehiya, na kilala bilang mga Expert Advisors (EAs). Pinapahintulutan ng mga EA ang mga trader na gawing awtomatiko ang kanilang mga trade batay sa mga tukoy na pamantayan, kagaya ng mga teknikal na tagapagpahiwatig o kundisyon ng pamilihan. Makakatulong ito sa mga mangangalakal na makatipid sa oras at mabawasan ang makadamdaming epekto ng trading, gayundin sa potensyal na pataasin ang kahusayan at katumpakan ng kanilang mga trade. Binibigyan ng MQL ang mga mangangalakal ng isang hanay ng mga kasangkapan para sa backtesting at pag-optimize ng kanilang mga EA, bukod sa kakayanang gamitin ang isang malaking aklatan ng mga nakasulat nang mga EA at mga pinasadyang tagapahiwatig na matatagpuan sa MT5 marketplace. Sa pangkalahatan, ang paggamit ng MQL at awtomatikong trading sa pamamagitan ng mga EA ay isang sikat na alok ng MT5, na namamahagi sa mga mangangalakal ng isang madaling umaangkop at makapangyarihang kasangkapan para sa pagpapatupad ng kanilang mga trade sa mga pamilihang pinansyal.
Ang MT5 mobile app ay magagamit sa Android at sa iOS device at siyang nagbibigay-daan sa mga mangangalakal upang pumasok sa kanilang mga trading account saanman at kailanman. Ang mobile app ay nagbibigay ng makabagong pag-tsart, iba’t-ibang uri ng order, at real-time na mga quote at balita. Maaari ding pangasiwaan ng mga mangangalakal ang kanilang mga trade, magtakda ng stop-loss at take-profit na mga order, at subaybayan ang pagkilos ng kanilang trading portfolio. Bukod dito, ang mobile app ay nagbibigay ng karapatang pumasok sa MT5 marketplace, kung saan maaari silang bumili at mag-download ng mga pinasadyang tagapagpahiwatig at Expert Advisors (EA) upang gawing awtomatiko ang kanilang mga trade.