Pananagutang Panlipunan ng Korporasyon

Dito sa HF Markets Group, layunin ang nagpapatakbo sa amin. Bilang isang pandaigdig na pamilya, nakatuon kami sa pagpapabuti ng kalagayan ng lipunan at ng kapaligiran sa buong mundo. Sa pamamagitan ng aming pananagutang pangkompanya at panlipunan, nagpapatakbo kami ng mga inisyatibo para sa pangmatagalang epekto sa lipunan at sa ating mundo.

Pananagutang Panlipunan ng Korporasyon

Edukasyon

Edukasyon

Pagpapamahagi ng akses sa edukasyon at bokasyonal na mga kakayanan para sa mga indibidwal sa buong mundo

Kapaligiran

Kapaligiran

Pagpapanatili ng kapaligiran at pagtulong sa mga apektado ng sakuna

Kagalingan

Kagalingan

Pagsuporta sa mga makataong inisyatibo para sa kalusugan at kapakanan

NAGBIBIGAY-KAPANGYARIHAN SA POSITIBONG PAGBABAGO SA BAWAT AKSYON

HFM Sponsors Life-Saving Surgeries for Three Children in Vietnam

In April, we collaborated with "Heartbeat Vietnam" and Tam Duc Heart Hospital in Ho Chi Minh, Vietnam, to provide surgery opportunities for three children with congenital heart disease, bringing hope and a second chance in life to them. This CSR action underscores HFM's commitment to improving community health and supporting vulnerable children, giving them a chance for a healthier and brighter future.

HFM Sponsors Life-Saving Surgeries for Three Children in Vietnam

HFM and Province Parents of Disabled Children Club Spread Love and Hope to Children with Disabilities

In collaboration with the Province Parents of Disabled Children Club in Nakhon Si Thammarat, Thailand, HFM embarked on a heartfelt CSR initiative aiming at bringing joy and support to children with disabilities. Through a series of engaging activities including a nutritious lunch, lively exercises accompanied by music, and the provision of essential supplies, we were dedicated to making a meaningful impact in the lives of these children and their families. This initiative reflects our commitment to fostering inclusivity, compassion, and community support, ensuring that every child, regardless of ability, receives the care and attention they deserve.

HFM and Province Parents of Disabled Children Club Spread Love and Hope to Children with Disabilities
SOS Children's Villages

SOS Children's Villages

Itinatag noong 1949, ang SOS Children's Villages ay isang independiyenteng organisasyon na hindi nauugnay sa gobyerno na may pananaw na ang bawat bata ay may karapatang maging bahagi ng isang pamilya at lumaki nang may pagmamahal, paggalang at seguridad. Nagbibigay ang organisasyon ng pangmatagalang pangangalaga, edukasyon at mga serbisyong pangkalusugan para sa mga batang kailangan ng pangangalaga sa 135 bansa, kabilang ang Mauritius, kung saan may malakas na presensya ang HFM.

Nagbigay ang HFM ng kawanggawang kontribusyon sa sangay ng SOS Children's Villages sa Mauritius at patuloy na nag-aalok ng suporta nito sa pambihirang inisyatiba na ito bilang bahagi ng pangako nito na mag-ambag sa mga karapat-dapat na layunin na nakakaapekto sa mga lokal na komunidad.

SOS Children's Villages
UNICEF

UNICEF

Patuloy na pinaiigting ng HF Markets Group ang trabahong isinagawa ng mga nangungunang internasyonal na mga organisasyong pangkawang-gawa sa pamamagitan ng huling donasyon nito sa UNICEF.
Kilala ang UNICEF sa buong daigdig para sa kanilang trabaho sa mga bahagi ng:

  • Paglaki at kaligtasan ng mga kabataan
  • Pangunahing edukasyon at pagkakapantay-pantay ng kasarian
  • Kabataan at ang HIV/AIDS
  • Proteksyon ng kabataan

Naniniwala ang buong pangkat ng HF Markets Group na isa itong organisasyon na karapat-dapat bigyan ng aming suportang pinansyal.

UNICEF
Ang Rotary Club

Ang Rotary Club

Sa mahigit 34,000 na club nito sa buong daigdig, ang nakakalulang1.2 milyong miyembro nito ay walang-tigil na kumikilos upang labanan ang gutom, pamamahagi ng malinis na tubig, wakasan ang sakit na polio, paigtingin ang kalusugan at kalinisan, at suportahan ang edukasyon at pagsasanay sa trabaho. Para sa isang tanyag na organisasyon, malinaw na pasya para sa HF Markets na gumawa ng donasyon upang tulungan ang mga kapos-palad sa lokal na komundad ng Larnaca, Cyprus kung saan matatagpuan ang punong-tanggapan ng HF Markets Europe Ltd.

Para parangalan ang aming galanteng donsayon, isang seremonya ang ginanap na nilahukan ng ministro para sa Komunikasyon at Paggawa ng Cyprus na si G. Tasos Mitsopoulos.

Ang Rotary Club
Red Cross

Red Cross

Ang tanyag na kawanggawa na Red Cross ay sinalubong ng donasyon sa ngalan ng HF Markets Group. Ang kawanggawang kontribusyon na ito ay batay lang sa bukod-tanging pagsisikap at hindi pagbabago na ipinakita ng kawanggawa para pahusayin ang lahat ng aspeto ng buhay ng tao.

Kasama ang humigit-kumulang sa 97 milyong boluntaryo at miyembro ng kawani sa buong mundo, naghahatid ang Red Cross ng bukod-tanging suporta sa pagsasalba ng buhay na ngayon ay maaari nang opisyal na ipagmalaki ng HF Markets Group na may kamalayang pinansyal tungkol dito. Sisikapin ng HF Markets Group at ng Red Cross na magtulungan at bumuo ng matatag na ugnayan na makabubuti sa isa't isa, at sa gayon ay makakabuo ng mas matatag na programa sa pananagutang panlipunan ng korporasyon na pumapalibot sa HF Markets Group.

Red Cross

Naghahatiad ng Ligaya at Suporta sa Ban Look Rak Orphanage

Ang aming kamakailang CSR event sa Ban Look Rak Orphanage sa Khon Kaen, Thailand, ay naging isang nakakataba ng pusong tagumpay, na nag-iwan ng mga ngiti sa mukha ng mga bata at ng aming pangkat. Pinangangahalagahan namin ang bawat sandaling kasama ang mga bata, naglalaro ng mga laro, at bumubuo ng makabuluhang mga koneksyon. Lumikha ang mga interaksyong ito ng pangmatagalang mga ugnayan at alaala.

Ang isang kasiya-siya at masustansyang tanghalian ay inihain para sa lahat, na tiniyak ang nakabubusog na pagsasalo-salo. Namahagi rin kami ng mga kailangang kagamitan at laruan upang paigtingin ang kanilang pag-aaral at paglalaro, na nagpapahiwatig ng aming dedikasyon sa kanilang pag-unlad.

Ang inisyatibo namin ay naglalayong gumawa ng tunay na pagbabago sa kanilang mga buhay, na nagdadala ng kasiyahan, paghihikayat, at pakiramdam ng pagiging kabilang. Ikinararangal naming makapagdala ng mga ngiti at suporta sa mga bata, at nakatuon kami sa pagpapatuloy ng aming paglalakbay sa pagsasagawa ng positibong epekto.

Naghahatiad ng Ligaya at Suporta sa Ban Look Rak Orphanage
Ang HFM ay gumawa ng galanteng donasyon sa gitna ng krisis ng Covid-19

Ang HFM ay gumawa ng galanteng donasyon sa gitna ng krisis ng Covid-19

Inilathala: ika-27 ng Marso, 2020

Laging nakatuon sa panlipunang responsibilidad, ang HFM ay gumawa ng galanteng donasyon sa World Health Organization sa laban nito kontra sa pandemyang Covid-19.

Ang WHO, na kumikilos sa buong mundo upang itaguyod ang kalusugan, panatilihing ligtas ang daigdig, at paglingkuran ang mga kapos-palad ang siyang nangunguna sa pagkilos at pagsuporta sa mga bansa upang kilalanin, tukuyin, at rumesponde sa pandemya.

Ang HFM ay gumawa ng galanteng donasyon sa gitna ng krisis ng Covid-19
Sinusuportahan ng HF Markets ang Cyprus Anti-Cancer Society

Sinusuportahan ng HF Markets ang Cyprus Anti-Cancer Society

Inilathala: ika-27 ng Marso, 2020

Laging nakatuon sa panlipunang responsibilidad, dumalo ang HF Markets sa kaganapan para lumikom ng pondo, na isang fashion show na pinatakbo ng Cyprus Anti-Cancer Society at gumawa ng galanteng donasyon para sa layunin nitong pagkawanggawa.

Itinatag noong 1971, ang Cyprus Anti-Cancer Society ay isang nakarehistrong Organisasyon para sa Kawanggawa na lumilingap sa mga taong may kanser, sumusuporta sa mga pamilya at tagapag-alaga ng mga pasyente at nagbibigay-alam din sa mas malawak na publiko tungkol sa pag-iwas, pagkilala, paggamot at kaginhawaan sa kanser.

Sinusuportahan ng HF Markets ang Cyprus Anti-Cancer Society
Tumutugon ang HF Markets Group sa krisis ng sunog sa kakahuyan sa Australia

Tumutugon ang HF Markets Group sa krisis ng sunog sa kakahuyan sa Australia

Inilathala: ika-10 ng Enero, 2020

Bilang suporta sa mga nagbibigay ng pambihirang lakas at dagdag na rekurso para labanan ang mga sunog sa kakahuyan sa Australia at tulungan ang mga taong makabangon, nagbigay ang HF Markets Group ng kawang-gawang donasyon sa New South Wales Rural Fire Service na direktang tumutulong sa mga boluntaryong nangunguna sa paglaban sa sunog.

Ang NSW Rural Fire Service (NSW RFS) ay ang pinakamalaking pandaigdig na samahan ng mga boluntaryong bumbero na nagbibigay ng serbisyo sa pag-apula ng sunog at iba pang sakuna para sa 95% ng lalawigang New South Wales.

Tumutugon ang HF Markets Group sa krisis ng sunog sa kakahuyan sa Australia
Donasyon para apulahin ang sunog sa kagubatan ng Amazon

Donasyon para apulahin ang sunog sa kagubatan ng Amazon

Inilathala: ika-18 ng Setyembre, 2019

Bilang suporta sa pagsisikap ng mga katutubo na apulahin ang sunog sa kagubatan ng Amazon, ang tinatawag na 'baga ng Mundo,' nagbigay ng donasyon ang HF Markets Group sa The Rainforest Alliance, isang internasyonal na di-kumikitang organisasyon na naglalayong gawing normal ang responsableng pagnenegosyo.

Donasyon para apulahin ang sunog sa kagubatan ng Amazon
Nagbigay ng Donasyon ang HF Markets sa Larnaca Lions Club

Nagbigay ng Donasyon ang HF Markets sa Larnaca Lions Club

Inilathala: ika-24 ng Setyembre, 2018

Bilang pagpapakita ng suporta sa lokal na komunidad nito, nagbigay ng malaking donasyon ang HF Markets sa Larnaca Lions Club, ang lokal na sangay ng Lions Club International.

Ginawa ang donasyong ito upang pahusayun ang katangi-tanging gawain ng kilalang club, na ang pangunahing layunin ay bigyan ng lakas ang mga boluntaryo upang paglingkuran ang kanilang mga pamayanan, tugunan ang mga pangangailangang pantao, hikayatin ang kapayapaan, at itaguyod ang unawaang pandaigdig.

Nagbigay ng Donasyon ang HF Markets sa Larnaca Lions Club
Sophia Foundation for Children

Sophia Foundation for Children

Inilathala: ika-20 ng Disyembre, 2016

Alinsunod sa pananagutan nito sa lipunan at pagsuporta ng mga layuning pangkawanggawa, ang HF Markets ay nagbigay ng malaking halagang donasyon sa Sophia Foundation for Children sa fundraising event at gala dinner na isinagawa sa Presidential Palace sa Nicosia. Ang management team ng HF Markets ay naroon upang iabot ang donasyon sa mga kinatawan ng Foundation.

Itinatag ang Foundation noong 2008 ng mga boluntaryong Cypriot at naglalayong mag-ambag sa laban sa kahirapan. Nakatuon ito sa pagpapahusay ng nutrisyon, edukasyon, at pangangalagang medikal ng mga bata sa Kenya. Gumagamit din ang Sophia Foundation ng pera mula sa mga sponsor upang suportahan ang gawain nitong pagpapatakbo ng Makarios Children’s Home para sa mga naulila, na nakakatulong na putulin ang siklo ng kahirapan sa ilan sa mga pinakamahihirap na bata.

Sophia Foundation for Children