Pangangalakal ng mga Enerhiya

Depende sa iyong antas ng karanasan at estratehiya sa pangangalakal, pumili mula sa mga kontratang spot at futures upang i-trade ang pag-akyat at pagbagsak ng pamilihan ng krudo gamit ang mga CFD at ang pinakamagandang kondisyon para sa trading sa industriya.

BAKIT DAPAT MAG-TRADE NG MGA CFD SA ENERHIYA SA HFM

Napakabilis na pagpapatupad

Una, isang mabuting pagkakaunawa sa pamilihan ng enerhiya at mga bagay na makakaapekto sa mga presyo ng mga commodity. Pagkatapos, magbukas ng Live o Demo trading account sa HFM at piliin ang iyong plataporma, estratehiya, at oportunidad sa pangangalakal. Buksan ang iyong posisyon at sundan ito.

May iilang bagay na maaaring makaapekto sa presyo ng commodity na pang-enerhiya, kagaya ng:

  1. Supply at demand: Kagaya ng anumang ibang commodity, ang mga presyo ng commodity na enerhiya, kagaya ng krudo at natural na gas ay karaniwang naiimpluwensiyahan ng mga bagay na kaugnay ng supply at demand. Kung ang demanda para sa mga commodity na enerhiya ay tumaas samantalang ang supply nito ay nananatili o bumababa, ang presyo ng naturang commodity ay marahil tataas. Gayundin, kung ang supply ay tumaas samantalang manatiling hindi-nagbabago o bumaba ang demanda, marahil bababa ang mga presyo nito.
  2. Mga tensyong geopolitikal: Ang mga kaguluhang pampulitika, tunggalian, at pagkagambala sa mga lalawigang nangunguna sa produksyon ng langis ay maaaring makaapekto sa supply ng mga commodity na enerhiya, na maaaring magdulot ng biglaang pagtaas o pagbaba ng presyo. Halimbawa, ang mga tunggaligang pampulitika sa Gitnang Silangan o alinman sa mga lalawigang nangunguna sa produksyon ng langis ay maaaring makaapekto sa pandaigdig na supply ng langis at magpataas ng presyo ng langis.
  3. Mga kondisyon ng panahon: Ang mga matinding pagbabago sa klima, kagaya ng mga bagyo, pagbaha, o tagtuyot, ay maaaring makaapekto sa produksyon at transportasyon ng mga commodity na enerhiya, na nagdudulot ng pagkaantala sa supply at biglaang pagtaas o pagbaba ng presyo.
  4. Mga exchange rate ng pananalapi: Ang mga presyo ng mga energy commodity ay karaniwang ipinapamahagi sa US dollars. Ang mga pagbabago sa exchange rate ay maaring makaapekto sa purchasing power ng iba’t-ibang bansa at sa demanda para sa mga energy commodity, na nakakaapekto sa kanilang mga presyo.
  5. Mga pang-teknolohiyang pag-asenso: Ang mga pag-asenso sa teknolohiya ay maaring makaapekto sa produksyon, transportasyon, at distribusyon ng mga commodity sa larangan ng enerhiya, na sila namang nakakaapekto sa mga presyo nila. Halimbawa, ang mga pag-asenso sa teknolohiya ng hydraulic fracturing ay nagdulot ng mas mataas na produksyon ng shale oil at gas sa Estados Unidos, na nakaapekto sa pandaigdigang presyo ng langis.

Sa HFM, nag-aalok kami ng iba’t-ibang mga uri ng account upang umakma sa mga partikular na pangangailangan ng iba’t-ibang mangangalakal. Anuman ang iyong estratehiya sa pangangalakal, antas ng pagpopondo, o gana para sa panganib, merong account na angkop para sa iyong pangangailangan. Mangyaring suriin ang aming Accounts Page para sa karagdagang impormasyon.

Nanguguna sa lahat ang Brent na Krudong Langis bilang pinakamadalas i-trade na commodity sa larangan ng enerhiya sa buong daigdig. Pinangangahalagahan ng mga mangangalakal ang Krudong Brent sapagka’t ginagamit ito bilang batayan sa presyo ng karamihan sa krudong langis sa buong mundo. Ang presyo ng Krudong Brent ay tinatakda ng iilang mga bagay, kagaya ng pandaigdigang supply at demand, kaganapang geopolitikal, at mga tagapagpahiwatig sa ekonomiya. Dahil sa mahalaga nitong katayuan bilang pandaigdigang batayan, ang mga pagbabago sa presyo ng Krudong Brent ay maaring magtaglay ng malawak na epekto sa pandaigidigang pamilihang pinansyal, bukod sa mga ekonomiya ng bansang nakasalig sa pag-export ng langis.